Mainit na naman na debate ngayon sa isyu ng Enhanced Defense Cooperation agreement (EDCA) ng Pilipinas at Amerika, iisa ang nananaig na tanong: Kaninong interes ba ang isinusulong ng kasunduang ito?

Noong 1991, sa dikit na botohan sa Senado, 12-11, nagwagi ang mga Senador na hindi pabor sa extension ng american bases sa Pilipinas. nanaig sa mga panahon na iyon ang nasyonalismo sa dugo ng mga Senador na bumoto ng “NO”. Isa na nga siguro sa pinakamalakas na argumento para sa pagkakaroon ng joint military exercises at maging ng naval at military bases ng dayuhang militar sa bansa, partikular ng american forces, ay upang maging moderno at upgraded ang ating mga kagamitang pandigma. ngunit mula ng malagdaan ang Military Bases agreement noong 1947, maging ng Mutual Defense treaty noong 1951 at ang Visiting Forces Agreement noong 1999, may malaking pagbabago at pag-unlad nga ba sa ating sandatahang lakas?

Ayon sa globalfirepower.com, kung ang Malaysia ay may 74 na mga land systems tanks, 215 naman ang sa Singapore at 3,200 sa Vietnan, ang Pilipinas ay nakakalungkot na wala man lang isang modernong tanke. Wala rin tayong sariling submarino. Binibili pa natin ang mga lumang kagamitang pandigma ng amerika. Pati sa pandigma at armas, ukayukay tayo.

Bagaman at nakikita natin ang kakulangan sa ating military at defense facilities, hindi tayo nagsusulong para sa mas maraming armas para sa Pilipinas. nais lamang natin ipakita kung tunay nga bang nakikinabang ang Pilipinas sa tuwing pumapasok tayo sa isang kasunduang pang-militar sa amerika.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Higit pa nga sa pagpapalakas ng ating defense capabilities laban sa banta ng armed-attacks ay higit na makakabuti pa rin sa Pilipinas at amerika na palakasin na lamang nito ang pagtutulungan ng dalawang bansa kung paano mapapabuti ang social at economic conditions ng mga Pilipino. Sa mga imbestigasyon ngayon ng Senado sa EDCA, mangibabaw sana ang interes ng Pilipino!