Bumagsak na naman ang temperatura sa Metro Manila nang maitala ang 19.4 degrees Celsius na lamig nito.

Sinabi ni weather forecaster Samuel Duran ng PAGASA, ito na ang pinakamalamig na temperaturang naitala sa Science Garden sa Quezon City ngayong buwan.

Huling naitala ang pinakamalamig na temperatura noong Enero, 2014 nang maramdaman ang 15.8 degrees Celsius.

Posible rin aniyang bumaba pa hanggang sa Enero ang temperatura sa Baguio na una nang nakapagtala ng 12.4 degrees Celsius.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Aniya, patuloy na makaaapekto ang tail end of a cold front sa Southern Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga.

Patuloy pa rin aniya ang pag-iral ng amihan sa Northern at Central Luzon.