Dinala ng aking amiga ang kanyang dalawang taong gulang na apo na lalaki sa aking bahay. ipinagyabang ng aking amiga ang ilang talent ng kanyang apo na angkop naman para sa edad nito. ang ikinamangha ko lang ay matinding pagkaseloso ng bata.
Habang nagkukuwentuhan kami ng aking amiga, hinawakan ko siya sa balikat. nakita iyon ng bata na kanyang bitbit at inalis ang kamay ko. napangiti ako sa ginawa ng bata. At pagkatapos, sinadya kong hawakan ang braso ng aking amiga at muling inalis ng bata ang kamay ko. Halos mapahagakpak ako nang tawa nang pinandilatan pa ako ng bata! Paliwanag ng aking amiga na seloso nga ang kanyang apo. ngunit inamin ng aking amiga na nagdudulot sa kanya ng kasiyahan ang malaman na siya ay para lamang sa kanyang apo. Hindi ba masarap sa pakiramdam na mayroong ganoong katindi ang pagmamahal sa atin?
Ngunit mayroon pang isang uri ng selos – isang matuwid na selos – sa buhay ng bawat Kristiyano. Hindi ito ang matinding paghahangad ng isang mahinang tao para sa kanyang malakas na tagapagtaguyod, tulad ng apo ng aking amiga, kundi ng Panginoon para sa kanyang nasasakupan. Mababasa sa Mabuting aklat: “iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian? ngunit siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya sinasabi ng kasulatan, ang Diyos ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.”
Kapag naghahangad tayo ng sobra sa ating kailangan , niyayakap natin ang kaugalian ng mundo, at sa ganito nagseselos ang Diyos. Patuloy Siya sa paghahangad na mapalapit tayo sa Kanya. Tayo ay Kanyang tinutuwid, pinagagalitan, inaaliw, pinapatnubayan, at hinihimok niyang kilalanin Siya nang mas mabuti. ang lantarang paghahangad niya sa atin ay hindi nakasisira sa ating pakikipagrelasyon sa Kanya, kundi tayo ay Kanyang inaangat, pinalalaya dahil sa katotohanan at biyaya. iyan ang dahilan kung bakit nais niya tayo para lamang sa Kanya.
Hindi dalaga puwede ang may kaagaw ang Diyos sa ating pagmamamahal.