Pansamantalang na ititigil ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa Metro Manila sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Sa ipinaskil ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Twitter account nito, bibiyahe lamang ang LRT Line 1 hanggang 8:00 ng Disyembre 24 at hanggang 7:00 ng Disyembre 31. Karaniwang nagsisimula ang operasyon ng LRT-1 simula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi simula Baclaran sa Pasay hanggang Roosevelt sa Quezon City kada araw.

Samantala, magsasakay lamang ng pasahero ang LRT Line 2 hanggang 8:30 ng gabi ng Disyembre 24 at 7:30 ng gabi ng Disyembre 31. Ang LRT 2 ay karaniwang bumibiyahe simula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi mula Recto sa Manila hanggang Santolan sa Pasig City.

Habang ang MRT 3 ay bibiyahe simula 4:30 ng madaling araw hanggang 9:14 ng gabi sa Disyembre 24 at Disyembre 31 lamang. Paiikliin ang oras ng operasyon ng MRT 3 na bumibiyahe sa EDSA sa araw ng Pasko at Bagong Taon simula 6:30 ng umaga hanggang 10:44 ng gabi.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Karaniwang bumibiyahe ang MRT 3 simula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue sa Quezon City simula 4:30 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi kada araw.

Ang huling biyahe ng tren ng Philippine National Railways simula Tutuban, Manila hanggang Alabang sa Muntinlupa ay itinakda sa 5:37 ng hapon sa Disyembre 24 at 31 sa halip sa normal schedule nito na 7:37 ng gabi.

Ang unang biyahe ng Metro South Commuter Rail Line sa Disyembre 25 at Enero 1 ay aalis ng 11:07 ng umaga sa halip na karaniwang schedule nito na 5:00 ng umaga. - Kris bayos