Dalawang araw matapos naging viral ang isang video sa social media kung saan nakunan ang isang airport police habang binabasag ang salamin ng isang taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinibak ang NAIA police upang sumailalim sa imbestigasyon hinggil sa insidente noong Biyernes sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Kinilala ng NAIA officials ang sinibak na airport police na si APD2 Alejandro Peninda.

Pinag-ugatan ng pagtatalo ng dalawa ang paghingi ni Peninda ng lisensiya ng taxi driver na si Boots Ymata matapos ito magbaba ng pasahero sa gitna ng NAIA driveway na isang umanong paglabag sa batas trapiko.

Lumitaw sa video na kuha ng isang Grace Fabie noong Biyernes na nagkaroon ng pagtatalo sina Peninda at Ymata bago hinataw ng una ang salamin ng taxi na minamaneho ng huli.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Inilagay din sa kustodiya ng Airport Police Headquarters si Ymata bago sinampahan ng kasong direct assault at disobedience to person of authority. (Ariel Fernandez)