JAVA (AFP)— Isang landslide na bunsod ng tuluy-tuloy na ulan ang pumatay sa 18katao habang 90 iba pa ang nawawala sa isla ng Java, sinabi ng isang opisyal noong Sabado.

Daan-daang rescuer at volunteer ang naghuhukay sa mga putik at guho matapos ibaon ng landslide ang kabahayan at Jemblung village sa central Java noong Biyernes ng gabi. Dawalang bahay lamang ang iniligtas ng landslide.

Sinabi ni disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho na hindi pa malinaw kung ang mga nawawala ay nailibing nang buhay o nakatakas sa pagguho ng lupa.
National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?