WASHINGTON (AP)- Hinadlangan ni John Wall si Chris Paul sa kanilang unang pagtatagpo sa season kahapon upang tapusin ng Washington Wizards ang nine-game winning streak ng Los Angeles Clippers via 104-96 victory.

Kinontrol ni Wall ang laro na taglay ang 10 puntos at 11 assists kung saan ay gumaralgal si Paul na kaakibat ang season-high six turnovers. Ang porma ni Wall ang pinakamabigat kaysa sa kanyang stat line. Ikinasa niya ang laban na mayroong blistering sequence sa huling bahagi ng unang half, kasama na ang acrobatic assist kay Bradley Beal para sa 3-pointer, ang sarili niyang 3-pointer, ang from-behind block sa buslo ni Glen Davis sa paint, at ang steal kay Paul.

Isinara ng Wizards ang half na kaakibat ang 12-2 run upang pamunuan ang 57-42 at ‘di na hinayaan pa ang Clippers na makalapit hanggang sa 8 puntos lamang sa second half. Hinarana ng fans si Wall ng katagang ''M-V-P!'' sa huling minuto.

Umiskor si Beal ng season-high 29 puntos, habang nagposte si Marcin Gortat ng 18 puntos sa kanyang 8-for-10 sa shooting para sa Wizards, nagwagi ng pito sa kanilang walo at taglay nila ngayon ang 11-2 sa Verizon Center, ang pinakamagandang 13-game start sa sariling pamamahay sa kasaysayan ng prangkisa. Tangan ni Wall ang halos 11 assists sa pitong sunod na mga laro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsagawa si Paul ng ilang late baskets upang tumapos na mayroong 19 puntos, 7 rebounds at 6 assists, habang nagtala si Blake Griffin ng 14 puntos para sa Clippers, hindi nakalamang at tumapos na may 14 assists at 18 turnovers.

Ang isa pang highlight kay Wall ay ang spin, up-and-under move para sa layup sa first quarter. Sa sumunod na posesyon, naisakatuparan nito ang 3-pointer bago pa man tumunog ang final buzzer, at pagkatapos ay pumosisyon na animo’y istatwa makaraan ang napakalayong buslo ng bola tungo sa net.

TIP-INS

Clippers: Lumisan sa korte ang forward na si Spencer Hawes sanhi ng galos sa kaliwang tuhod sa huling bahagi ng first quarter at ‘di na nagbalik pa. ... Hindi na naming naging aktibo sina guard Reggie Bullock (sprained right ankle) at guard Chris Douglas-Roberts (sore right Achilles). ... Ang nine-game winning streak ay ang ikaapat na pinakamahaba sa kasaysayan ng prangkisa.

Wizards: Taglay ng Washington ang 9-for-16 mula sa 3-point range; ang Los Angeles ay mayroong 6-for-20. ... Ang laro ay kinaaniban ng mga nakalululang koneksiyon. Sina Washington coach Randy Wittman at Los Angeles coach Doc Rivers ay teammates sa Atlanta sa limang seasons noong 1980s. Minanduhan ni Rivers si Wizards forward Paul Pierce sa siyam na seasons sa Boston. Kinuha si Pierce ng Washington noong nakaraang summer ni assistant coach Sam Cassell, na noon ay lumisan upang sumama sa staff ni Rivers. ... Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Los Angeles sa Marso 20.