Ni Kris Bayos

Isasara sa mga paparating na flight ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng pagsasara ng ilang pangunahing lansangan sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa susunod na buwan.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado na isasara ang NAIA Terminal 3 at 4 dahil maapektuhan ang mga ito ng pagsasara ng mga kalsada patungong Villamor Airbase sa Pasay City kung saan lalapag ang eroplano lulan ng Santo Papa sa Enero 15 at aalis sa Enero 19.

“We are not closing the airport just because of the Pope’s visit. We are (limiting operations) due to the closure of roads around Terminal 3 and 4,” paliwanag ni Honrado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Due to these plans, we are advising departing passengers to come to the airport hours before the roads close or they can proceed to designated staging areas where shuttle service will be provided to transport them to Terminal 3 or 4 via the airside roads,” anang opisyal.

Magtatayo, aniya, ng mga staging area sa Nayong Pilipino o Terminal 1 Parking Area B.

Hindi tulad ng Terminal 3 at 4, ang Terminal 1 at 2 ay bukas pa rin kung saan ang mga pasahero ay maaring gamitin Bicutan-Sucat road network.

Nasa desisyon na ng mga airline executive kung kakanselahin, ililipat o ide-delay ang mga paparating na flight bunsod ng planong pagsasara ng ilang kalsada patungong NAIA, ayon kay Honrado.

Nakatakdang lumapag ang eroplano ni Pope Francis dakong 5:45 ng hapon sa Enero 15 at lilipad patungong Roma dakong 9:45 ng umaga sa Enero 19.

Tumanggi naman magbigay ang aviation official ng estimate kung magkano ang ikalulugi ng gobyerno dahil sa mawawalang landing fee at passenger terminal charges bunsod ng pansamantalang pagsasara ng dalawang terminal ng NAIA.