Sinuspinde ng Professional Regulation Commission (PRC) ang nakatakdang board exams sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ruby nitong weekend.
Sa isang advisory, ipinapaliban ng PRC ang Civil Engineer licensure exams sa Legazpi City, Albay sa Bicol region at Tacloban City sa Leyte bago manalasa ang Bagyong Ruby sa mga lugar na ito.
Ang pagsusulit ay nakatakda sanang gaganapin noong Disyembre 6 at 7, 2014, ngunit ipinagpaliban para sa kaligtasan ng examinees at ng PRC examination personnel sa dalawang itinalagang testing areas.
”The suspend events will give way for participants to return home to distant places safely and have enough time to prepare and mitigate possible typhoon impacts,” pahayag ng PRC.
Pinapayuhan ng PRC ang mga apektadong examinees na bisitahin ang official website ng PRC, kung saan nila iaanunsiyo ang bagong petsa para sa ipinagpalibang licensure exams. (Samuel Medenilla)