Makaraang palagdain ng New Orleans Pelicans si free-agent forward Dante Cunningham sa kainitan ng pagbasura ng domestic assault charges, walang plano ang NBA na disiplinahin siya, ayon sa ulat ng league spokesman sa Yahoo Sports.

“We have commenced an independent review of the matter and the charges that were subsequently dropped against Mr. Cunningham, but at this point we have no basis to conclude that he engaged in conduct that warrants discipline from the NBA,” pahayag ni spokesman Mike Bass sa Yahoo Sports sa isang email.

Nakipagsabayan na si Cunningham, ang 6-foot-8 forward, sa New Orleans Pelicans sa nakalipas na linggo at lumagda sa agreement kahapon.

Trinabaho ni Cunningham, 27-anyos, na maklaro ang kanyang pangalan sa NBA executives simula ang kanyang domestic-assault arrest noong Abril sa Minneapolis. Bilang miyembro ng Timberwolves, kinasuhan si Cunningham ng pag-atake sa kanyang dating girlfriend, subalit ang charges ay ibinasura lamang nang masilip ng pulisya na ang istorya ng nagrereklamo ay nahaluan ng falsehoods.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS