KALIBO, Aklan - Sa gitna ng paghahanda ng marami sa inaasahang pananalasa ng bagyong ‘Ruby’, isang 80-anyos na lalaki ang pinaniniwalaang namatay ngunit muling nabuhay makalipas ang ilang oras na pananalangin ng kanyang pamilya sa mga imahen ng Sto. Niño at Black Nazarene.

Ayon kay Rosita Tomasar, asawa ni Elpidio Tomasar, dakong 11:00 ng gabi nang nagising siya at nakapang malamig na ang katawan ng asawa, na may pneumonia.

Dahil sa takot, nanalangin si Rosita, kasama si Fr. Emmanuel Mijares, kura paroko ng Makato Parish, sa paboritong santo ni Elpidio na si Señor Sto. Niño at ang Black Nazarene, hanggang sa nagising ang asawa.

Ayon kay Rosita, simula pa noong bata si Elpidio ay kilala na itong deboto ng Sto. Niño.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Naniniwala ang mag-asawang Tomasar, na may siyam na anak, na ang nangyari ang mensahe sa kanila ng Diyos na ipagpatuloy ang pananalangin at paghingi ng tulong sa Panginoong Hesukristo.