Ulat nina FER TABOY, ELLALYN B. DE VERA at ROMMEL P. TABBAD

Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 44 lalawigan kaugnay ng banta ng papalapit na bagyong “Ruby.”

Ipinag-utos ni NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Alexander Pama, ang pagtalaga ng grupo para tumugon sa emergency sa oras na humagupit ang bagyong Ruby.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Sinabi ni Pama sa nagbigay na siya ng direktiba sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines(AFP), ng preemptive evacuation sa mga lugar na hahagupitin ng bagyo kung kinakailangan.

Sinabi ng international humanitarian group na Oxfam na kung hindi magbabago ang direksiyon na tinatahak ng bagyong “Ruby,” pinangangambahang aabot sa 4.5 milyong residente sa Visayas at Mindanao region ang maapektuhan ng kalamidad.

“The danger is, however, that not all evacuation centers in Haiyan (Yolanda)-affected areas have been fully repaired and many continue to live in unsafe shelters as recovery efforts continue,” ayon kay Oxfam Country Director Justin Morgan.

Tiniyak naman ni Morgan na nakaposisyon na ang kanilang mga emergency assistance unit upang tumulong sa maaapektuhan ng bagyong “Ruby.”

Nakapasok na kahapon sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Ruby’.

Ayon sa Philippine Atmopsheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 3:00 ng madaling araw kahapon nang tumawid ng PAR ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto sa anumang parte ng bansa ang bagyong bahagyang lumakas, taglay ang lakas ng hanging pumapalo sa 175 kilometro kada oras at pabugsong aabot sa 210 kilometro kada oras.

Nilinaw ni weather forecaster Samuel Duran ng PAGASA, nananatili ang 75 porsiyento tsansa na magla-landfall ito habang 25 porsiyento naman ang posibilidad na ito ay lumihis.