Kathryn Bernardo

NAUNA nang ini-release online ng Star Cinema nitong nakaraang Linggo ang debut album ni Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng Starmusic.ph at simula sa Biyernes (Disyembre 5) ay mabibili na ang hard copy ng album sa record bars nationwide.

“Sweet, young at happy” ang pagsasalarawan ng Teen Queen sa kanyang self-titled debut album.

Ayon kay Kathryn, ang pagsabak niya sa recording ay bahagi ng patuloy niyang paghasa sa kanyang talento bilang performing artist.

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

“Siyemre, comfort zone ko ang pag-arte. Pero sa ngayon, gusto kong subukan at aralin ang iba’t ibang bagay tulad singing, dancing, at hosting. Gusto ko ring matuto mag-play ng musical instruments,” sabi ng dalaga.

Aminado ang 18-year-old recording star na naging hands-on siya sa production ng kanyang album na hitik sa easy-listening, feel-good tracks.

“Since first time ko ito, I trusted Star Music sa song choices dahil sila po ang mas nakakaalam kung ano ‘yung babagay sa boses ko,” paliwanag ni Kathryn. “Pero pagdating sa concept, layout at total look ng album, pati sa music video tumulong po ako para personalized talaga siya.”

Ayon kay Kathryn kabilang sa mga inspirasyon niya bilang singer ang mga paborito niyang sina Juris, Michael Bublé, Ariana Grande, Taylor Swift, at ang idolo niyang si Sarah Geronimo.

Laman ng debut album ni Kathryn ang tatlong revivals, limang original songs, at tatlong bonus tracks. Si Rox Santos ang overall producer ng album.

Nag-record siya ng kanyang bersiyon ng Mr. DJ ni Sharon Cuneta, Crush ng Bayan ni Cris Villongco, at Love Has Come My Way ni Heart Evangelista.

Kabilang sa original tracks ang Na Sa ‘Yo Din Pala, Ikaw Na Nga Yata, K Tnx Bye, Temporary Deja Vu, at ang carrier single ng album na You Don’t Know Me na komposisyon ng singer-songwriter na si Marion Aunor.

Lahat ng walong tracks ay may minus one versions sa album.

Samantala, bahagi rin ng debut album ni Kathryn si Daniel Padilla. Kasama sa bonus tracklist ang bersiyon ng Teen Queen ng Pagdating ng Panahon at ang mga sikat na KathNiel duet performances ng Got to Believe In Magic at Pinas Smile (ABS-CBN 2014 Summer Station ID).

Ang self-titled debut album ni Kathryn ay mabibili sa halagang P199. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.