Ahley madison, Philippe Lopez [afp]

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ipinupursige niya na mai-block ang extramarital dating site na Ashley Madison sa bansa, sa dahilang nageengganyo ito ng krimen.

“The website is a platform that allows illegal acts to be eventually committed. A ban may be enforced,” sabi ni De Lima sa isang SMS statement, na tumutukoy sa Ashley Madison.

Ang Canada-based firm, may slogan na: “Life is short. Have an affair”, ay naglunsad ng kanilang website kamakailan sa Pilipinas, na karamihan ng populasyon ay mga Katoliko at ipinagbabawal ang diborsiyo.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Binigyang diin ni De Lima na ang adultery ay labag sa batas ng Pilipinas, kahit na bihira ito naipatutupad sa bansa na karamihan ng makapangyayarihang kalalakihan ay ipinaparada ang kanilang mga kabit.

Ang adultery at concubinage ay may parusang hindi bababa sa anim na buwang pagkakakulong sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

“The (telecommunications companies) will have to do their part to ensure that illegal content and websites that are used to drive illicit conduct are not used,” ani De Lima.

Ngunit hindi niya nilinaw kung maaari bang obligahin ang mga ito na sumunod. Ayon sa ulat ng media, halos 2,500 Pilipino ang nagparehistro na sa website simula nang ito ay ilunsad.

Nauna nang ipinagbawal ng Singapore at South Korea ang Ashley Madison, idinahilan na ito ay banta sa family values. (Agence France-Presse)