BONTOC, Mt. Province – May hanggang Huwebes ang limang pulis-Bontoc para maisumite ang kanilang counter affidavit sa kasong murder na isinampa sa kanila kaugnay ng pagkamatay ng isang estudyante noong Nobyembre 5.

Isinampa ng mga magulang ng biktimang si Stephen Bosleng Galida, 20, ng Bauko, ang kasong murder makaraang ilabas ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera ang autopsy report nito na nagsasabing multiple traumatic injuries ang ikinamatay ng estudyante.

Kinilala ni Senior Supt. Oliver Enmodias, direktor ng Mountain Province Police Provincial Office (PPO), ang mga kinasuhan na sina SPO4s Rolando Bagangan, Michael Napa-eg; SPO3 Lester Faba-an; SPO2 Gaspar Suagen at PO3 Raul Fagsao, pawang operatiba ng Bontoc Police nang mangyari ang krimen at ngayon ay nasa PPO holding center na.

Matatandaang nabagok sa bangketa si Galida makaraang tumalon umano mula sa umaandar na sasakyan ng mga suspek na umaresto sa kanya dahil umano sa panggugulo. Iginiit ng mga kapwa estudyanteng kasama ni Galida na kusang sumama sa mga suspek ang biktima. - Rizaldy Comanda
Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!