Plano ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) na hilingin na mabigyan sila ng clemency sa pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.

Ayon kay Msgr. Bobby Olaguer, chaplain ng NBP, ito ang hirit ng ilang bilanggo sa maximum detention facility, sa layuning matugunan ang pagsisikip sa mga bilangguan.

Sa ngayon, masikip na ang mga bilangguan dahil hindi nagagamit ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kapangyarihan nitong magbigay ng executive clemency para ibaba ang sentensiya ng mga bilanggo.

Naniniwala si Olaguer na mabibigyan ng clemency ang mga karapat-dapat dahil ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay may temang “Mercy and Compassion.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa huling report, aabot sa 14,800 ang nakakulong sa maximum prison ng NBP.