Pasisimplehin ng Pilipinas ang kanyang weather warnings upang mas madaling maunawaan at maiwasan ang taun-taong pagbuwis ng daan-daang buhay sanhi ng mga kalamidad, sinabi ng mga opisyal noong Miyerkules.

Nakikipagtulungan na ang weather service ng estado sa mga linguist upang matiyak na ang mga banta ng bagyo, baha, at iba pang mga kalamidad ay lubusang maintindihan ng mga karaniwang tao, anila.

“People need to be told in a language they can understand the dangers that they face,” sabi Roberto Añonuevo, executive director ng Filipino Language Commission ng pamahalaan.

“Typhoons and storms are a common occurrence, so they become complacent. This will help them to respond. This is potentially lifesaving,” aniya sa AFP.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang mga higanteng pader ng tubig mula sa dagat, na tinatawag na “storm surges” na dulot ng bagyong Yolanda, ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa, ang sinisi sa pagkamatay ng halos 7,350 katao sa Central Visayas isang taon na ang nakalipas.

Kahit na nabigyan ng babala ang mga lugar na pinakamatinding tinamaan, kalaunan ay inamin ng for the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) at iba pang mga opisyal na bago sa pandinig ng mga biktima ang terminong “storm surge,” na hindi nila lubusang nauunawaan ang peligrong hatid nito.

Kabilang si Pangulong Benigno Aquino III sa mga nangungunang kritiko ng PAGASA na madalas niyang pangaralan ang mga forecaster na gumamit ng mga katagang nauunawan ng karaniwang tao sa kanilang mga bulletin.

Halos 20 bagyo ang tumatama sa bansa bawat taon, na nagdudulot ng mga baha at pagguho ng lupa na ikinamamatay ng daan-daang katao.

Ang mga lindol at pagputok ng bulkan ay kabilang sa mga namamayaning banta sa kapuluang ito sa Asia na bumubuo sa bahagi ng “Ring of Fire” ng mga isla sa Pasipiko.

“People with lower levels of education at times have trouble understanding technical terms,” pagamin ni Lani Aquino, public relations officer sa PAGASA.

“So what happens is they do not make the necessary precautions for certain meteorological events,” wika ni Aquino sa AFP.

Sinabi ng tagapagsalita ng weather service na nirerepaso nila ang 300-word glossary ng mas madaling maiintindihan na mga termino sa panahon na inihanda ng komisyon ng wika, kabilang na ang mga salita para sa storm surge sa mga pangunahing diyalekto sa bansa.

Bukod sa Filipino-language weather bulletin, sinabi ni Añonuevo na hahanapan din nila ng mas simpleng termino ang mga Englishlanguage weather bulletin, na mahirap mauunawaan gaya ng “intertropical convergence zone.”

Isinasalin na rin ng mga linguist ng komisyon ang mga nakasulat sa English na disaster preparedness manual ng civil defense office ng bansa, dagdag niya. - Agence France- Presse