Inulan ng batikos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa muling paglabag sa quarantine protocol kaugnay sa pagdating ng apat pang Pinoy peacekeepers mula Monrovia, Liberia na ngayon ay nasa pangangalaga ng AFP Medical Center.

Ang AFP Medical Center ay hindi itinalaga bilang Ebola facility.

Sakay sa isang commercial flight ang apat na peacekeeper at kaagad idiniretso sa AFP Medical Center kung saan sila ika-quarantine ng 21 araw at hindi na sa Caballo Island.

Depensa ng pamunuan ng AFP ang apat na bagong dating na peacekeepers ay naka-quarantine batay na rin sa kautusan ng Department of Health (DOH).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni AFP PAO chief Lt. Col. Harold Cabunoc, ang apat na bagong dating na peacekeepers ay bahagi ng Philippine Contigent to Liberia at pumasa ang mga ito sa Ebola screening test.

Tumangging magkomento si Col. Roberto Ancan, commander ng Peacekeeping Operation Center, kaugnay sa apat na peacekeeper na isinasailalim sa quarantine sa AFPMC.

Ayon kay Ancan ang apat na peacekeeper ay mga enlisted personnel ng AFP na naiwan sa Liberia na siyang nakikipag-ugnayan sa United Nations Disengagement Observer Force para sa pagbiyahe ng kanilang mga military equipment pabalik ng bansa.

Unang dumating sa bansa ang 133 Pinoy peacekeepers na binubo ng 108 AFP personnel, 24 na PNP members at isang miyembro ng BJMP at kasalukuyang naka-quarantine sa Caballo Island. Magtatapos sa Disyembre 3 ang kanilang 21-day quarantine period.