Pinagbabayad ng Puerto Princesa City Regional Trial Court (RTC) ng P4.4 milyon ang siyam na mangingisdang Chinese matapos silang masentensiyahan sa ilegal na pangingisda sa Hasa Hasa Shoal sa Palawan ilang buwan na ang nakalilipas.

Sinabi ni Judge Ambrosio de Luna ng Puerto Princesa City RTC Branch 51 na napatunayang guilty ang siyam na mangingisdang Chinese sa paglabag sa Section 87 ng RA 8550 (Philippine Fisheries Code for Poaching) at Section 97 ng RA 9147 (Wildlife Resources Conservation Act) dahil sa paghuli ng endangered species.

Kabilang sa mga pinagmumulta sina Chen Yi Quan, kapitan ng barko; Chen Ze Hao, chief engineer; at mga tripulanteng sina Shi Xian Xiong, Shi Liang Duong, He Chuan, Huang Ji Xuan, He Sheng Bao, He Yuan Cheng, at Lu Chuan Fang.

Sinabi ni Palawan Provincial Prosecutor Allen Ross Rodriguez na pinagmumulta ng $100,000 o katumbas ng P4.3 milyon ang bawat isa sa mga dayuhan at sakaling walang kapasidad ang mga itong magbayad ay maaari silang makulong ng anim na buwan.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Pinatawan din ng multang P120,000, o katumbas ng 12-20 taong pagkakakulong, ang bawat isa sa mga mangingisdang Chinese sa paglabag sa Section 97 ng RA 9147.

Kasalukuyang nakapiit ang siyam na mangingisda sa Palawan Provincial Jail.