Sa Pilipina gaganapin ang unang ASEAN Public-Private Partnership (PPP) Networking Forum sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Disyembre 16 hanggang 17, 2014.

Dadalo sa forum ng mga miyembro ng ASEAN Connectivity Coordinating Committee (ACCC), national coordinators, PPP focal points at opisyal na responsable sa mga imprastrukturang proyekto mula sa 10 ASEAN Member States (AMS).

Inorganisa ito ng Philippine Permanent Mission to ASEAN, sa pamumuno ni Ambassador Elizabeth P. Buensuceso sa suporta ng ACCC, ASEAN Economic Community (AEC) Division ng Department of Foreign Affairs (DFA) at PPP Center ng Pilipinas. Ang forum ay itinataguyod ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) at ASEAN Regional Integration Support from the EU (EU ARISE).

Layunin ng forum na maibahagi ang mga karanasan sa PPP ng bawat miyembrong bansa.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’