Nagwakas na ang modus-operandi ng isang pekeng miyembro ng Department of Public Safety Traffic Management (DPSTM), makaraang maaktuhan ito ng mga tunay na traffic enforcer habang nangongotong sa mga jeepney driver sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Paglabag sa mga kasong illegal possession of deadly weapon at ussurpation of authority ang kinakaharap na asunto ng suspek na si Reymond Almodiente, ng No. 1509 Sawata Area 1, Maypajo, Barangay 39 ng nasabing lungsod.

Kuwento ni Paul Christian Victorio, kawani ng DPSTM, nakita niya si Almodiente na nakasuot pa ng kanilang uniporme na kulay orange sa A. Mabini St., Barangay Maypajo, dakong 3:00 ng hapon noong Linggo.

“Pinapara n’ya yung mga jeep na dumadaan kahit walang violation at kinokotongan pa,” ani Victorio.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

Dahil hindi niya kakilala, tinawag ni Victorio ang iba niyang kasamahan at nilapitan ang suspek para komprontahin subalit tumangka pang tumakbo ang suspek bago ito tuluyang nahuli ng grupo ng DPSTM.