Gaya ng inaasahan, sumalo ang San Sebastian College sa liderato NCAA women’s volleyball matapos iposte ang ikaapat na tagumpay sa pamamagitan ng 25-18, 20-25, 25-18, 25-23 na paggapi sa season host Jose Rizal University.

Ngunit gaya ng inaasahan, pinadaan muna ng Lady Bombers ang Lady Stags sa butas ng karayom bago nakamit ang tagumpay.

Bagamat nagtala ng game-high na 32 hits, hindi pa rin nakuntento si coach Roger Gorayeb sa naging laro ng kanyang team skipper na si Gretchel Soltones.

``Hindi ko makita sa kanya ‘yung leadership na hinihingi ko sa kanya,`` ani Gorayeb.``’Yung sa depensa talagang maasahan siya pero sa opensa, hindi n’ya kayang dalhin ang team samantalang kung tutuusin sobrang angat na s’ya dapat sa mga kalaban dahil sa expsoure nya sa mas mataas na liga,`` ayon pa sa Lady Stags mentor na tinutukoy ang Shakey`s V-League.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nag-ambag naman ng 15 puntos sa nasabing panalo ang rookie na si Nikka Dalisay habang namuno naman para sa Lady Bombers na nalaglag sa barahang 2-3, panalo-talo, si Rosali Pepito na nagtala ng 13 puntos.

Samantala, nabigo namang makaangat sa solong ikalawang puwesto San Sebastian College sa men’s division nang makatikim ito ng upset sa season host Jose Rizal University sa isang dikdikang 5-setter, 25-20, 25-20, 17-25, 23-25, 7-15.

Mula sa dating kinalalagyang ikalawang puwesto, nalaglag ang Stags sa ikatlong puwesto sa men`s team standings sa patas na barahang 2-2,panalo-talo kasunod ng dati nilang kasalong College of St. Benilde na may kartadang 2-1.

Umangat naman sa ikalimang puwesto ang Heavy Bombers matapos makabasag sa winner`s circle kasunod ng nauna nilang apat na kabiguan sa likod ng pumapang-apat na Letran College Knights na m,ay barahang 1-3,panalo-talo.

Nagtala ng 17 puntos si Joshua Manzanas na kinabibilangan ng 12 hits, 3 blocks at 2 aces para pangunahan ang nasabing unang panalo ng Heavy Bombers kontra sa Stags sa loob ng mahabang panahon.

Nag-ambag naman ng tig-12 puntos ang kanyang mga kakamping sina Roden Pulongbarit, Brando Bejer, Edmar Tobias at Rhenish Castillo.

Nawalan naman ng saysay ang game-high na 28 puntos ni Richard Tolentino na kinapapalooban ng 23 hits at 4 na blocks dahil sa pagbagsak ng Stags sa kanilang ikalawang pagkatalo.