DAVAO CITY – Isang leader ng Abu Sayyaf na may P5.3-milyon patong sa ulo at isang sundalo ang napatay sa sagupaan sa Barangay Duyan Kaha sa Parang, Sulu noong Sabado ng hapon, iniulat ng Western Mindanao Command (Westmincom).

Sinabi ni Captain Maria Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Westmincom, na nangyari ang engkuwentro makaraang tumangging magpaaresto sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang leader ng Abu Sayyaf na si Sihata Latip.

Isa pang sundalo ang napatay at isa pa ang nasugatan sa insidente, ayon kay Muyuela, pero tumangging pangalanan ang mga ito.

Ayon sa militar, sangkot si Latip sa pagdukot sa mga dayuhan at sa serye ng mararahas na pag-atake laban sa militar.

First Lady, unang hinanap si PBBM matapos panoorin Hello, Love, Again<b>— Alden</b>

Sinabi naman ng pulisya na sangkot si Asmad sa pagdulot sa anim na kasapi ng Jehovah’s Witness noong 2002 at sa Golden Harvest plantation kidnapping noong 2001 sa Basilan. (Alexander Lopez)