Nagbabala si Senator Cynthia Villar sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na mag-ingat sa kanilang pagpapadala ng pera lalo na sa mga modus operandi na gamit ang cellphone.

Ayon kay Villar, talamak ang pagpapadala ng mga mensahe na gamit ang mga cellphone kung saan sinasabing nanalo ka sa isang raffle at kailangan lamang na magpadala ka ng load o kaya naman ay pera para makuha ang premyo.

Aniya, ito ang tinatawag na mga on-line scams at karamihan sa mga nagiging biktima ay ang mga pamilya ng OFWs.

“Do not be so trusting especially when dealing with complete strangers,” ayon kay Villar.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Bukod sa mga cellphone, aniya, nagagamit din ang facebook, partikular na ang “romance scam”.

Ipinaliwanag pa nito na ang karamihan sa mga sangkot dito ay ang mga Nigerian, na liligawan ang mga OFW at sa bandang huli ay manghihingi ng pera para sa proseso umano ng kanilang mga dokumento at kung minsan naman ay nagiging mga drug courier.