Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko hinggil sa posibleng pagsisikip ng trapiko sa ilang lansangan sa Quezon City bunsod ng road reblocking sa siyudad.

Sinabi ni MMDA na nagsimula ang road repair work ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10:00 kagabi at ito ay matatapos dakong 5:00 ng umaga sa Lunes.

Kabilang sa mga isasara para sa road reblocking ang southbound lane ng Fairview Avenue—mula Camaro Street hanggang Malboro St. (third lane); Mindanao Avenue (2nd at 3rd lane); Commonwealth Avenue—mula Bicol- Leyte St. hanggang pedestrian overpass sa Batasan Road Litex hanggang sa Residential Vulcanizing (2nd lane).

Maaapektuhan din ng road repair ang northbound lane sa Araneta Avenue—mula sa Quezon Avenue hanggang Maria Clara St. (3rd lane); C.P. Garcia Avenue—mula University Avenue hanggang Maginhawa St. (3rd lane) at Quirino Highway, mula Camachile St. hanggang Teacher Bliss (1st inner lane).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, magkukumpuni ang DPWH sa Batasan Road, Congressional Avenue at Congressional Avenue Extension.