Hindi mabilang ang patay sa panig ng hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sumiklab na labanan sa Reform Ilaga Movement (RIM) sa Midsayap, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Nasa 300 BIFF ang sinasabing umatake sa Sitio Bentad, Barangay Baliki, Midsayap at pinalayas ang mga residente roon.

Tinangka pa ng mga BIFF na pasukin ang Sitio Lunok, Bgy. Baliki dakong 4:00 ng madaling araw ng umaga ngunit nanlaban ang mga armadong Reform Ilaga Movement (RIM).

Tumagal ng isang oras ang bakbakan ng magkabilang panig at umatras ang mga rebelde nang dumating ang mga sundalo mula sa 40th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Wala namang nasugatan sa RIM subalit hindi pa mabilang ang namatay sa panig ng BIFF.

Sinabi ni Kumander Mike Santiago, tagapagsalita ng RIM na sapat ang kanilang puwersa sakaling aatakeng muli ang BIFF.