KALIBO, Aklan- Isang 50 anyos na tagapag-alaga ng mga panabong na manok ang naaresto ng awtoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay Estancia, Kalibo, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Eric Reyes na inaresto ng mga operatiba ng Provincial Anti Illegal Drugs Task Force at ng Kalibo PNP sa kanyang bahay.

Nakuha kay Reyes, sinasabing nagtutulak ng droga sa mga estudyante sa Kalibo, ang sampung sachet ng shabu at iba pang drug paraphernalia.
National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO