Sampung taong pagkakakulong ang ipinataw ng Sandiganbayan sa pitong dating opisyal ng Quezon City na akusado sa Ozone Disco tragedy na ikinamatay ng 162 katao noong Marso, 1996.

Ang hatol ay ibinaba ng 5th Division ng Sandiganbayan matapos ang 18-taong paglilitis sa kaso.

Ayon sa anti-graft court, napatunayang nagkasala sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina sina Alfredo Macapugay, dating city engineer; Renato Rivera Jr., assistant city engineer; Edgardo Reyes, building inspector; Francisco Itliong, hepe ng Enforcement and Inspection Division; Feliciano Sagana, hepe ng Processing Division; Petronilio Dellamas, engineer; at Rolando Mamaid, building inspector.

Hinatulan din ng korte ng guilty ang mga private respondent na sina Hermilo Ocampo at Ramon Ang, dalawa sa pitong board of directors at stockholders ng Westwood Entertainment Company Inc., na namamahala noon sa Ozone Dance Club.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Apat namang direktor at stockholders ng Ozone Disco ang inabsuwelto habang hindi pa rin matunton ang akusadong si Renato Diaz.

Napatunayan ng hukuman na nagkaroon ng sabwatan ang mga building official at private respondent para makakuha ng building permit ang Ozone Disco para sa renovation nito.