Hinamon kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President at Navotas Rep. Toby Tiangco ang Senate Blue Ribbon subcomittee na magsagawa ng imbestigasyon sa kaugnayan nina dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado at Ariel Olivar, na sinasabing tumatayong front ni Mercado.

“If Olivar claims to be a dummy of Binay, then let all properties under his name be surrendered to the government. Ang kaso, sinungaling hanggang buto ito si Mercado. Si Olivar ang kanyang ginagamit na dummy sa mga ilegal na transaksyon n’ya,” punto ni Tiangco.

Ayon kay Tiangco, si Olivar ay empleyado ni Mercado at nagsilbing surveyor ng Freeway Surveying na pag-aaring kumpanya ng dating vice-mayor na may tanggapan sa Kristine Building sa Makati City.

May isa aniyang nagngangalang Ariel Mercado Olivar ang nakalista bilang board member ng Twinleaf Group, Inc., na pag-aari rin ni Mercado at sa pamamagitan ng naturang kumpanya, nakakubra ito ng mahigit P1 bilyon sa imprastruktura at ibang proyekto noong bise-alkalde pa siya ng Makati.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Mercado used a dummy at that time so his ownership was kept hidden until after he lost to Junjun Binay in the 2010 elections. Ngayon hayagan na si Mercado at ang kanyang mga anak sa kumpanya. In fact, he was even able to corner projects from the Department of Agriculture,” pagbubunyag ni Tiangco.

Dapat na hilingin ng Senado ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng lifestyle check kay Mercado na nagmamay-ari ngayon ng isang buong isla sa Palawan.