HEKENDORP, Netherlands (AFP)— Sinuri ng mga opisyal ng Dutch ang mga manukan sa highly infectious strain ng bird flu kasunod ng mga outbreak ng parehong strain ng virus sa Britain at Germany.

Ipinagbawal ng public health authorities noong Linggo ang pagbiyahe ng mga karneng manok sa buong Netherlands matapos matuklasan sa pamayanan ng Hekendorp ang “highly pathogenic” form ng avian influenza na napakadelikado sa mga ibon at kayang humawa sa tao.

Halos 150,000 manok sa isang egg farm sa Hekendorp malapit sa Utrecht ang sinira noong Lunes, sinabi ni Lex Denden ng Dutch Food and Consumer Product Safety Authority (NVWA).

Pinuri ng European Commission ang pagtugon ng mga Dutch at British sa outbreak sa gitna ng mga babala na maaaring lalo pang kumalat ang sakit.
Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko