Dahil sa pagbaba ng pressure na likha ng magma sa loob ng Bulkan Mayon, nabawasan nang bahagya ang pamamaga sa dalisdis nito.

Ito ang inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa isinagawang deformation survey noong Nobyembre 9 hanggang 13.

Gayunman, patuloy na binabantayan ang Mayon lalo’t sa kasaysayan, nagaganap ang mga pagsabog nito tuwing nagkakaroon ng deflation o bawas sa pamamaga ng dalisdis nito.

Nakataas pa rin ang alert level 3 sa bulkan kaya bawal pa rin ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong permanent at 7-km extended danger zones sa timog-silangang bahagi nito.
National

Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!