Babasahan ng sakdal ng Sandigabayan ang dalawang anak ng tinaguriang pork barrel Queen na si Janet Lim-Napoles.

Ang arraignment proceedings ay isasagawa kina James Christopher Napoles at kapatid na si Jo Christine matapos ibasura ng 3rd Division ng anti-graft court ang motion for reconsideration ng mga ito.

Itinakda ng korte ang arraignment sa magkapatid sa Nobyembre 19, dakong 1:30 ng hapon.

Nauna nang idinahilan sa hukuman ng magkapatid na walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na nakipagsabwatan ang mga ito sa kanilang ina upang mailipat sa mga ghost project ang pork barrel funds ng mga senador at makakuha ng kickback.

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Anila, ibinase lamang ang kinakaharap nilang kaso sa mga testimonya ng whistleblower na si Marina Sula na tinagurian nilang “polluted source” dahil inamim umano nito na kasangkot ito sa nasabing scam.

Paliwanag din ng dalawang anak ni Napoles na walang ebidensya na nagpapatunay na nagkaroon sila ng personal o official transaction sa mga opisyal ng pamahalaan na inakusahan sa nasabing scam.

Sinabi ng anti-graft court na maituturing nilang “premature” ang sinasabi ng magkapatid dahil maaari lamang umanong talakayin ang usapin sa mismong paglilitis sa kaso.

“To begin with, it is premature to discuss the issue regarding the credibility of the said whistleblowers. The issue as to whether these prosecution witnesses are telling the truth is best ventilated during the trial of the case,” ayon sa hukuman.