Magkakaroon ng necrological services ngayong Lunes ang senado para kay dating Senador Juan Flavier bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa sambayanan, partikular sa larangan ng kalusugan at pagsugpo sa kurapsiyon.

FILE_PHOTO_Flavier_01-274x300 (1)Pangungunahan ni Senate President Franklin Drilon ang pagkilala kay Flavier na nanungkulan mula 1995 hanggang 2007. Namayapa ang dating senador sa edad na 79 noong Oktubre 30.

Nabatid din na ihahatid ang abo ni Flavier ng kanyang asawa at mga anak na sasalubungin ni Drilon at iba pang opisyal ng Mataas na Kapulungan sa pagdating nito sa session hall.

Magbibigay din ng mga mensahe ang mga senador hinggil sa kontribusyon ni Flavier sa bansa.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“The hard working legislator registered a perfect attendance during the sessions and was instrumental in the enactment of landmark legislations promoting public health care and improving the quality of life of the people, The passing away of the illustrious senator is a great loss not only to his bereaved family but to the nation as well,” bahagi ng resolusyon.

Bukod sa kanyang matagumpay na health slogan na “Let’s DoH it!” na kanyang isinulong bilang kalihim ng Department of Health, umani rin ng respeto si Flavier sa mga mamamayan matapos itong makapagtala ng perfect attendance sa mga sesyon ng Mataas na Kapulungan.