Nobyembre 17, 2000, nang tumakas si Peruvian President Alberto Fujimori (ipinanganak noong 1938) patungong Japan, ang bansa ng kanyang mga magulang, matapos dumalo sa isang international conference sa Brunei.
Matapos ang tatlong araw noong Nobyembre 20, nagpadala siya ng letter of resignation sa Peruvian Congress sa pamamagitan ng fax, ngunit ito ay hindi tinanggap dahil sa “moral incapacity.” Makalipas ang dalawang araw, siya ay pinatalsik at tinanggal sa puwesto, matapos ang 10 taong paglilingkod.
Kinilala si Fujimori matapos nitong hanguin ang Peru sa kahirapan at iligtas sa mga banta ng terorista.
Inaresto siya sa Chile noong Nobyembre 2005, at pinabalik sa Peru, at noong Abril 7, 2009, siya ay napatunayang nagkasala ng mga paglabag sa karapatang pantao, at sinentensyahan ng 25 taong pagkakakulong.