MALAKING TULONG ● Hindi lang mas mababang singil sa kuryente, kundi lalong malaki ang matitipid natin kapag gumamit tayo ng light emitting diode (LED) na ilaw bilang palamuti sa Pasko gaya ng christmas light. Ito ang giit ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumer lalo na yaong hindi mapigilan ang pagde-decorate ng sobra sa labis na mga Christmas light. Ang LED Christmas lights kasi ay maaari ngang mas mahal ngunit mas malaki ang pakinabang. Base sa aktuwal na pag-aaral, napatunayang makatitipid ng P56 kada buwan sa kada 100 bumbilya ng decorative light sgayundin na tumatagal ito ng 49,000 oras kumpara sa ordinaryong palamuti.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Meralco ang ating kababayan na ugaliin isagawa ang mga energy saving, gaya ng paggamit ng electrical appliances na mas mababa ang konsumo ng kuryente at safety tips gaya ng pagtanggal sa saksakan, bago matulog, ang Christmas lights at iba pang gamit sa Christmas season. Iniulat ng Meralco na matatapyasan ng P0.41 kada kilowatthour ang singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa mas mababa ang generation charge at hindi paggalaw ng presyo sa merkado bunsod ng pagkakaroon ng sapat na supply bunga ng kawalan ng forced shutdown ng mga planta. Kailangan din nating mag-ingat, anuman ang mapagpasyahan nating gamiting ilaw, sapagkat hindi natin masasabi kung kailan tayo malilingat at magiging pabaya sa mga kasangkapang gumagamit ng kuryente.

***

BILANG NA ANG ARAW ● Kung kasapi ka ng barkadahan ni Satanas, at gumagamit ng motorsiklo at isang kaangkas sa krimen upang maisakatuparan ang iyong maitim na balak na makapangbiktima, mag-isip-isip ka na. Mahigpit na ipatutupad sa Mandaluyong City ang isang ordinansa na magre-regulate sa mga riding-in-tandem. Ito ay ayon kay Atty. Jeffrey Omadto, ng City Legal department, kanila nang hiniling sa korte na tuluyang ibasura ang petisyon ng Motorcycle Rights Organization at Arangkada Riders Alliance na pumipigil ang implementasyon ng City Ordinance 550. May temporary restraining order na ang grupo. Napatunayan na kasing epektibo ang ordinansa sa pagsupil ng krimeng kinasasangkutan ng mga magkakaangkas sa motorsiklo. Kumikilos na ang mga awtoridad upang maging permanente ang ordinansa kung saan hindi papayagan ang magkaangkas ang dalawang lalaki maliban kung ito ay mag-ama.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente