PINANOOD ng marami at mainit na pinag-usapan sa social media ang pagbibida ni Kathryn Bernardo sa pinakabagong Wansapanataym special na pinamagatang ‘Puppy Ko Si Papi.’

Ayon sa Kantar Media, humataw ng 26.7 sa national TV ratings noong Linggo (Nobyembre 9) ang unang episode ng Wansapanataym ng Teen Queen, lamang ng halos 9 na puntos kumpara sa katapat nitong programa na Ismol Family (17.9%) sa GMA. Nakita ang pagkasabik ng netizens sa ‘Puppy Ko Si Papi’ sa bumuhos na mga positibong tweet sa Twitter kaya naging worldwide trending topic ang hashtag na #KathrynBernardoPuppyKoSiPapi.

Tiyak na lalong excited ang viewers sa susunod na adventure ni Kathryn ngayong Linggo (Nobyembre 16) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi. Dahil sa pagpapalit ng anyo ng kanyang ama bilang aso, kakailanganin ni Iris (Kathryn) na itama ang kanyang pagkakamali upang maibalik ang kanyang tatay na si Douglas (Dominic Ochoa) sa pagiging tao.

Ano ang gagawin ni Iris para maiwasto ang mga pagkakamali niya? Matututuhan na kaya niyang pahalagahan ang pagmamahal ng kanyang ama ngayong nasa kanya naman ang responsibilidad para alagaan ang kanyang pamilya?

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus, mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksyon ni Don Cuaresma.