NAGA CITY- Dalawang Philippine junior swimming record ang iminarka ni Maurice Sacho Ilustre ng Muntinlupa sa pagwawagi nito ng limang gintong medalya sa ginaganap na swimming competition ng 2014 Batang Pinoy Qualifying leg.

Gayunman, hindi makumpirma ng Philippine Swimming Incorporated, ang national sports association sa sports, ang naisagawang rekord sa paglangoy ng 14-anyos at Grade 9 pupil sa De La Salle-Zobel na si Ilustre bunga ng ilang teknikalidad.

Nagwagi si Ilustre sa Boys 13-15 Under 1,500m freestyle, 400m freestyle, 100m fly at sa itinalang rekord sa 200m fly at 200m free. Pinabilis nita ang sariling rekord sa 200m fly na dating 2:10.07 sa bagong 2:09.97 bago itinala ang 1:59.68 sa 200m free na tumabon sa dating rekord na 2:00.13 ni Nikita Decera.

"We had to confirm first before we could recognize if it is a record. Marami kasing technicalities to consider like the age grouping, touch pad ba or hand time ba ang ginamit and standard ba ang size ng pool," sinabi ni Batang Pinoy swimming technical director Richard Luna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nag-uwi rin ng limang gintong medalya ang kakampi ni Ilustre na si Marco Austriaco sa pagwawagi nita sa Boys 12-Under 100m fly (1:04.47), 50-m freestyle (26.75), 200-m freestyle (2:13.27), 50-m butterfly (28.73) atlOO-m freestyle (58.58).

Nanguna sa swimming ang Quezon City (18 ginto, 20 pilak at 16 tanso medalya). Pumangalawa ang Muntinlupa City (11-0-3), kasunod ang Laguna (4-8-2), Dasmarinas City (4-5-3), Manila City (4-4-2), San Juan City (4-3-6), Rizal Province (4-1-0), Antipolo City (4-1-0), Makati City (3-3-4) at Tanauan City (3-3-3). Samantala, kumubra ng tig-4 ginto sina Pacifico Aranas II ng Pasay City at Angelica Aldea ng Pangasinan sa archery habang may 3 ginto at 1 pilak si Gianeli Gatinga ng Taguig City sa athletics.

Nagtagumpay si Aranas sa Boys Cub division 30-m (337), 40m (334), 50m(315) at Single Fita (1320) at 1 pilak sa 20m (334) habang si Aldea ay namayani sa Girls Cadet 30m (303), 50m (292), 60m (304) at Single Fita (1142).

Tinanghal na most bemedalled athlete sa athletics si Gatinga matapos umungos sa girls 100m (13 .0s), 4x100m relay (53.3) at triple jump.

Napunta naman ang gintong medalya sa Basketball 3-on-3 Boys division sa Pasig City habang pilak sa Olongapo. Ang tanso ay hinablot ng Poblacion 2 Basud habang sa Girls ay nagwagi ang Province of Pangasinan kasunod ang Sta. Rosa City para sa pilak at ikatlo ang Tayabas City para sa tanso.