Isinailalim kahapon sa inquest proceedings ang piskal na nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Quezon City.

Si Assistant City Prosecutor Raul Desembrana, ng Quezon City Prosecutor’s Office, ay naaresto ng NBI bandang 11:00 ng umaga sa loob ng isang restaurant sa Quezon Memorial Circle matapos tanggapin ang P80,000 cash mula sa isang abogado na may kliyenteng nahaharap sa kasong unjust vexation.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, kasong direct bribery o paglabag sa Article 210 ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act, ang kahaharapin ni Desembrana.

Sa Office of the Ombudsman ihahain ang kaso pero sa ngayon ay nasa tanggapan ng NBI ang naarestong piskal para sa kaukulang proseso na kailangang pagdaanan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na bagamat isang kahihiyan sa kanilang institusyon ang pagkakadakip kay Desembrana, hindi siya magdadalawang-isip na iutos ang regular na entrapment operation para mapanagot ang mga tiwali sa kanilang hanay.