Mahigit 5,000 Christmas lights na walang Import Commodity Clearance (ICC) na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso ang nakumpiska ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) sa mga pamilihan sa Caloocan City.

Binalaan ng DTI ang mga manufacturer, importer at retailer ng Christmas lights na parurusahan ng P300,000 multa at kanselasyon ng DTI permit ang mahuhuling lumabag sa panuntunan ng Bureau of Philippine Standards (BPS).

Bumisita sa BPS portal (www.bps.gov.ph) para sa listahan ng DTI-certified brands ng Christmas lights o isumbong ang nagbebenta ng sub-standard at hindi sertipikadong Christmas lights sa pagtawag sa DTI Direct 751-3330 o 0917-8343330.
National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya