HONG KONG (AFP)— Sinabi ng mga lider ng Hong Kong democracy protest na tutungo sila sa Beijing sa Sabado upang ipaabot ang kanilang mga kahilingan para sa reporma sa politika sa mga awtoridad ng China, ngunit may mga agam-agam na hindi sila papapasukin sa mainland.

Binarikadahan ng mga nagpoprotesta sa pangunguna ng Hong Kong Federation of Students, ang mga pangunahing lansangan sa Hong Kong sa loob ng mahigit isang buwan upang igiit ang kanilang hiling para lubusang kalayaan para sa halalan na pipili sa susunod na lider ng lungsod.

“The federation is going to Beijing as a last resort and is not challenging Beijing’s authority and to harm the one country, two systems,” saad sa pahayag na inilabas noong Huwebes ng gabi.

“We ... will only discuss two things which are political reform and the question of the one country, two systems,” ayon sa federation, idinagdag na ang secretary general na si Alex Chow kasama ang dalawa pang core member ang tutungo sa Chinese ngayong tanghali.
National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan