Nobyembre 13, 1990, nang magawa ng Center for European Particle Research (CERN) scientist na si Tim Berners-Lee ang unang web page sa NeXT workstation, na nagdulot ng malaking pagbabago ng teknolohiya. Marso 1989, inalok ni Berners-Lee ang kanilang kumpanya, na layunin na tulungan ang mga empleado ng CERN sa iba’t ibang parte ng mundo upang magkaroon ng mas maayos at mabilis na komunikasyon.
Hindi nagtagal, nadiskubre ni Berners-Lee na ang panukala ay maaaring magamit sa loob at labas ng bansa, kung kaya’t naisipan niya na makipagtulungan sa Flemish computer scientist na si Robert Cailliau.
Sila ay gumawa ng panibagong panukala, at ito ay tinawag na World Wide Web. Hindi ito kaagad tinanggap noong una, ngunit dahil sa Hypertext Markup Language (HTML), Uniform Resource Identifier (URI), at Hypertext Transfer Protocol (HTTP) na nagsilbing pundasyon ng Web, ito ay naging matagumpay at tinawag na “WorldWideWeb Project.”
Ang World Wide Web ay binubuo ng Internet servers na naglalaman ng mga dokumento.