Nang ginawaran si United States President Barack Obama ng Nobel Peace Prize noong 2009, isang taon pa lamang siya sa tungkulin at, habang isinasagawa niya ang kanyang acceptance speech, siya ang commander-in-chief ng military forces ng isang bansang nasa gitna ng dalawang digmaan – ang Iraq at Afghanistan. Mayroon ngang kabalintunaan sa situwasyon ngunit sinabi ng Nobel Committee na ang prize ay para sa kanyang “extraordinary efforts to strengthen international diplomacy and cooperation between peoples”.

Tunay ngang determinado si Pangulong Obama na maging man of peace at tapusin ang involvement ng Amerika sa Iraq at Afghanistan. Pinauwi niya ang mga sundalong Amerikanong nakikipagbagbakan sa dalawang bansa. Nagtakda siya ng schedules para sa pag-uurong ng mga tropa mula Iraq habang isinasalin nila ang responsibilidad ng seguridad sa bagong gobyerno ng Iraq. Para naman sa Afghanistan, inanunsiyo ng Amerika noong Mayo na magtatapos ang combat operations ngayong taon, mag-iiwan lang ang isang maliit na residual force na mananatili roon hanggang sa pagtatapos ng 2016.

Malamang sa kaisipang ito – na pinauuwi niya ang American troops mula sa mga digmaan – kung kaya hindi naging mas agresibo si Pangulong Obama laban sa kabagsikan ng Islamic State (IS) sa Iraq nitong nakaraang mga linggo. Pinugutan ng IS fighters ang dalawang peryodistang Amerikano. Minasaker nila ang buong tribo at mga komunidad, kabilang ang mga Kristiyano na tumanggi sa kanilang conversion efforts. Sa maigsing panahon, rumesponde ang US ay limitdo sa pagpapadala ng air strikes laban sa IS positions at convoys, habang umaapela ito sa iba pang bansa, partikular na sa kalapit na Arab states na binabantaan din ng IS “caliphate”, na magpadala ng kani-kanilang sundalo bilang umayuda.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo sa wakas ni Pangulong Obama na magappadala ang Amerika ng karagdagang 1,500 tropa sa naunang 1,400 na naglilingkod ngayon bilang advisers sa Iraqi army at nagkakaloob ng seguridad sa US embassy at airport sa Baghdad. Sinabi ng While House na ang karagdgang ground troops ay nasa “non-combat role” pa rin ngunit maaaring masangkot sa digmaan. Kaya mahalaga ngayon ang iba pang bansa na dating nagpahayag ng suporta ay hinihimok na magpadala na ng mga tropa upang umayuda sa American at Iraqi defenders.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isang bagong yugto ng digmaan ang tunay ngang nagbukas. Magpapatuloy ang air strikes ngunit ngayon ay may ground troops na susuporta sa Iraqi forces sa pagsaklaw ng mga lugar na inagaw ng IS invaders. Isang air strike ang naiulat na nakasugat sa pinuno mismo ng IS na si Abu Bakr al-Baghdadi, noong Liggo. Ito, at ang balitang kumikilos na ang mga kaalyadong tropa, ay magpapataas ng pag-asa sa mga mamamayan ng Iraq na nagsisikap na mabuhay sa waring walang katapusang hidwaan sa kanilang bahaging iyon ng daigdig.