UNITED NATIONS (AP) – Halos 50 bansa ang magiging co-sponsor ng isang resolusyon ng United Nations (U.N.) na kokondena sa mga pag-atake laban sa mga mamamahayag at sa kabiguang parusahan ang mga responsable sa mga pagpatay, pagpapahirap, pagdukot at kidnapping at ilegal na pag-aresto sa mga miyembro ng media.

Ang draft ng nasabing resolusyon ng General Assembly na naisapubliko nitong Biyernes ay humihikayat sa 193 bansang miyembro ng U.N. “to do their utmost to prevent violence, threats and attacks” laban sa mga mamamahayag. Nananawagan din ito ng mabilisan at independent na pag-iimbestiga sa mga umano’y pag-atake at sa prosekusyon sa sinasabing mga suspek.
National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'