Ipinagkibit-balikat lang ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares ang mga usapusapan ng paglipat niya sa Commission on Audit (COA).

“It is premature,” sabi ni Henares kaugnay ng mga ulat na ililipat siya ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa COA kapag itinalaga sa ibang puwesto si COA Chairperson Grace Pulido-Tan, na posibleng sa Korte Suprema.

Sinabi ni Henares na walang iniaalok sa kanyang posisyon sa COA.

Maraming dati at kasalukuyang opisyal ng BIR, gayundin ang mula sa Office of the Ombudsman (OMB), ang nagsabing ideyal at lohikal na piliin si Henares para pamunuan ang COA kung nais ni Pangulong Aquino na magpatuloy ang kanyang kampanya kontra korupsiyon kahit pa nakababa na siya sa puwesto sa 2016. (Jun Ramirez)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente