Piolo Pascual

HUMARAP sa media ang dalawampu’t pitong kandidata para sa Miss Silka Philippines 2014: Gandang Pilipina, Kutis Alagang Silka na gaganapin ngayong 4:30 PM ang coronation rites sa Activity Center ng Market Market sa The Fort, Taguig City handog ng Cosmetique Asia Corporation at Cornerstone Events.

Ang mga kandidata ay sina (mulang Mindanao) Juanna Cris Canto, 21 -- Caraga, Butuan; Charina Barro, 20 – Cagayan de Oro City; Ohnie Claros, 19 – Davao City; Princess Faye Fernandez, 17 -- Tagum, Davao; Jessa Niah Eldian, 16 - Dapitan City; Fatima Kate Bisan, 15 - Saranggani Province; Rainalyn Capitle, 17 - Zamboanga City, (Visayas); Aiko Takahashi, 17 – Bacolod City; Marian Grace Bantol Malubay, 19 - Bohol; Bianca Wilhelmina Willemsen, 15 – Cebu City; Anke Schelling, 18 – Dumaguete City; Sigrid Grace Flores, 22 – Iloilo City, (South Luzon); Jainil Corpus, 18 – Batangas City; Lyra Velchez, 17 - Bicolandia; Bianca Aragon, 17 - Cavite; Ajaylene Victoriano, 17 – Valenzuela City; Maria Monique Agus, 21 – Laguna; Kathreen Grace Ahorro, 20 – Puerto Princesa; Julee Anne Mae Cabrea, 19 – Quezon, (North Luzon); Leslie Diego, 19 – Baguio City; Joanna Day, 16 - Bulacan; Joana Cielo Claravall, 22 – Cagayan Valley; Eidrian Balcita, 19 – Ilocandia; Patricia Anne Manaloto, 19- Pampanga; Kim Basali, 19 – Pangasinan; Lovely Bulosan, 19 – Tarlac; Kresna Jheng Galindez, 19 – Zambales.

Kuwento ng representative ng Cosmetic Asia Corporation, nakasama sa TVC ang nanalong 2010 Miss Silka ng endorsers nilang sina Erich Gonzales at Iya Villania para sa probinsiyana concept. Ang nanalo naman noong 2013 Miss Silka ay napasama rin sa print ads, billboards at posters.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Whitening product ang Silka Papaya soap kaya itinanong ng media ang contestants kung may dating maitim ba sa kanila na pumuti simula nang gamitin ang nasabing produkto.

Hindi naman naglihim si Ms. Zamboanga, “Hindi naman po masyadong maitim, kaso lang hindi ko ma-maintain ‘yung kutis ko kasi parati po akong nasa labas, kasama ako sa outreach program, sumasali po ako sa mga organization sa school.

“Nang sinabi po sa akin ng pinsan ko na para hindi ako masyadong umitim ay gumamit ako ng Pink Silka (papaya soap) kasama ng body wash na may STF na hindi masyadong iitim, kasi may ibang lotion po na kapag gumamit ka, lalo kang iitim.”

Maging si Ms. Bohol ay gumagamit din, “Kasi parati po kaming nai-expose sa araw dahil sa outdoor games ‘tapos nang gumamit po ako ng Silka papaya, pumuti naman po ako at pantay na ang kulay ng kutis ko.

Magaganda at artistahin ang mga kandidata ng 2014 Miss Silka kaya tinanong namin kung may pangarap din silang pasukin ang showbiz at kung sino ang pangarap nilang makasama sa project nila.

Kaagad na sumagot si Miss Bacolod, “If there’s an opportunity po that I can enter showbiz, I will grab it ‘coz once in a lifetime lang and hopefully I can meet my showbiz crush, Enrique Gil (leading man ni Liza Soberano sa Forevermore).

“Kung may pagkakataon po ay gusto ko po dahil gustung-gusto kong maka-partner si Coco Martin, siya po ang idol ko sa showbiz kaya showbiz dream ko po talaga lalo na kung mahahalikan ko siya, joke!” masayang sabi ni Ms. Butuan.

Hindi rin nagpatalo si Miss Batangas, “Eversince po I was a kid, dream ko na po maging aktres, so if given a chance to enter showbiz, I would love to and given a chance to choose my partner, I’ll choose James Reid.”

Say naman ni Miss Baguio City, “Aside from representing my city in a national pageant, this is once in a lifetime opportunity. And if there’s an opportunity for me to be in showbiz, I will grab it and I will choose Piolo Pascual as my partner.”

Masuwerte si Miss Baguio City dahil makikita niya nang personal si Piolo dahil siya ang host kasama si Gretchen Ho sa pageant ngayong hapon.

Samantala, si Richard Poon naman ang special guest para haranahin ang outgoing 2011 Miss Silka na si Vianca Marcelo kasama na rin ang mga kandidata.

Ang Cornerstone Entertainment president at managing director na si Erickson Raymundo kasama si Maricar Reyes-Poon naman ang official board of judges.

Gustong pasalamatan ng Cosmetic Asia Corporation at Cornerstone Entertainment ang Imperial Palace Suites, Datamex, Fashion Institute, Plaza Ibarra, Today Water, Market Market at Ayala Malls.