Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumer na bababa ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Napag-alaman na pumatak sa 41 sentimos kada kilowatt hour (kWh) ang bawas-singil bunga ng mababang generation charge at iba pang mga bayarin.

Katumbas ang pagbaba ng P41 hanggang P200 na bawas sa bill ng mga consumer ng 101-500 kWh. Nabatid na noong Oktubre nang magpatupad ng 10 sentimos kWh na dagdag-singil ang Meralco.

Pasabog ni Sen. Imee: Bagong impeachment case kontra kay VP Sara, ikakasa sa Feb. 6!