Tatamnan ng mga kawayan at yantok ang mga nakatiwangwang na lupa upang makatulong na maibsan ang epekto ng climate change.
Sinabi ni Bulacan 4th District Rep. Linabelle Ruth R. Villarica na batay sa mga pag-aaral, ang pagtatanim ng mga kawayan ay makababawas sa “sensitivity of ecosystems and help to rehabilitate degraded lands”.
Sa inihaing House Bill 4965 ni Villarica, magtatayo ng isang Integrated National Bamboo and Rattan Development Program (INBRDP) at magtatatag ng mga Philippine Bamboo and Rattan Center.