Karga ang nakababatang kapatid na si Let-Let, 3, bakas sa mukha ni Nicolen ang walang katiyakan sa kanilang kinabukasan habang nagdurusa sa kahirapan sa pansamantalang tirahan na kinumpuni ng gobyerno sa Tagpuro, Tacloban City, kahapon. Sa Sabado, Nobyembre 8, gugunitain ang unang anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon ‘Yolanda’ sa lugar. (Linus Guardian Escandor II)

Ni ELLALYN B. DE VERA

Walo sa 10 biktima ng super typhoon “Yolanda” ang nabubuhay sa P34 budget kada araw isang matapos manalasa ang kalamidad sa maraming lugar sa Eastern Visayas.

Ito ay base sa resulta ng survey na isinagawa ng Ibon Foundation sa 1,094 respondent mula sa anim na lalawigan sa Eastern Visayas.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Lumitaw sa survey ng Ibon Foundation na walo sa 10 pamilya (na karaniwang may limang miyembro) mula sa mga nasalantang lugar ang kumikita lamang ng halos P5,000 kada buwan na may katumbas na P34 kada araw.

At dahil hindi lubos na napagtuunan ng pansin ang mga biktima ng bagyo sa malalayong lugar, lumitaw din sa survey na lalo silang lumulubog sa kahirapan.

Tinatayang aabot sa 5.5 milyong hanggang anim na milyon ang nawasak ang kabuhayan, partikular ang mga nasa sektor ng agrikultura, pangingisda, kalakalan at transportasyon.

Ang kita sa sektor ng agrikultura ay bumagsak ng halos 50 hanggang 70 porsiyento sa Yolanda-affected areas.

“This is an additional blow for hardest-hit Eastern Visayas, which is among the poorest in the country and heavily relies on agriculture,” ayon sa survey Ibon.

Base sa datos mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, napag-alaman ng Ibon na 215,471 pamilya ang nabiyayaan ng livelihood support sa pamamagitan ng cash-for-building livelihood asset na itinuturing na pansamantala lamang.

“This could mean that as much as some 780,000 families have either no livelihood support or are relying on scattered efforts of non-government organizations and the private sector,” pahayag ng Ibon.

Ayon sa survey group, umabot sa 918,621 pamilya ang nagsilikas habang nasa 1.2