Inatasan ng World Boxing Organization (WBO) si No. 2 super bantamweight Genesis Servania ng Pilipinas na labanan ang sinumang pangunahing kontender para sa Interim title matapos mabigo ang mandatory bout ng kampeong si Guillermo Rigondeaux ng Cuba at No. 1 ranked Chris Avalos ng United States.

Sa pulong ng Ratings and Championship Committee kamakalawa sa 27th WBO Convention sa Palace Hotel sa Las Vegas, Nevada, inatasan ng WBO ang walang talong si Servania (25-0-0, 11K0s) na harapin ang sinumang top ten contenders at kabilang sa nagpursige sa WBO Convention si European champion Zsolt Bedak (22-1-0, 8KOs) ng Hungary na nakalistang No. 4 challenger ni Rigondeaux.

“We are happy and accepted the WBO offer, but we’re going to discuss it with the team and then talk with the other camps,” sabi ni ALA Promotions Vice-President Dennis Canete sa Philboxing.com.

Puwede ring makalaban ni Servania sinuman kina No. 3 Jesse Magdaleno (19-0-0, 15 KOs) ng United States, No. 6 Ryosuke Iwasa (18-1-0, 11 KOs) ng Japan, No. 7 Jorge Lara (26-0-1, 18 K0s) ng Mexico, No. 8 Andres Gutierrez (30-0-1, 22 KOs) ng Mexico, No. 9 Rey Vargas (22-0-0, 19 KOs) ng Mexico at No. 10 Luis Melendez (40-9-1, 29 KOs) ng Columbia.
National

Impeachment vs VP Sara, wala nang oras para matuloy – majority solons