Nagdiwang ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng kanilang ika-45 taon noong Oktubre 20-24. Ito ang ahensiya ng gobyerno na nangangalaga at nagpapaulad sa Laguna de Bay, at sa 21 ilog na kaugnay nito. Sa Laguna de Bay umaasa ng kabuhayan ang maraming mangingisda sa Rizal at Laguna at ilang bayan sa Metro Manila. Pinagkukunan din ito ng tubig ng Muntinlupa at Las Piñas.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Presidential Adviser in Environmental Protection Secretary at LLDA general manager Neric Acosta. Nagdaos ng misa ng pasasalamat na sinundan ng pag-aalis ng tabing ng LLDA marker sa bagong green building nito sa East Avenue, Quezon City. Mayroon ding ribbon cutting ng Laguna de Bay crafts and crops. Naging bahagi rin ang “Takbo Para sa Lawa” na ginanap sa Caliraya sa Kalayaan, Laguna. Pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ay ang pagsasalysay at paglalarawan ng kasaysayan ng LLDA mula 1966 hanggang sa kasalukuyan. Ginampanan ng mga empleyado mula sa iba’t ibang division ng LLDA.

Naitatag ang LLDA matapos pagtibayin ang Republic Act 4840 noong 1966. Pangunahing layunin ng batas ay isulong ang balanseng pag-unlad ng rehiyon ng Laguna de Bay. Ang mga awtor ng batas ay sina Congressmen Frisco San Juan Sr. ng Rizal, at Wenceslao Lagumbay ng Laguna, Senador Helena Benitez at Senador Lorenzo Sumulong.

Nanguna ang LLDA noong 1969 sa pag-aalaga ng bangus sa fishpen sa pamamagitan ng Looc Fish Coral Project sa Bgy. Looc, Cardona,Rizal. Sa tagumpay ng fishpen sa lawa na naging pangunahing pinagmumulan ng supply ng isda sa Metro Manila, hindi na napigil ang pagdami ng malalaking fishpen sa Laguna de Bay. Noong 1973 nang itatag ang LLDA Water Quality Laboratory, kinilala ito bilang isa sa pinakamahusay na laboratoryo sa Asia. Sa ngayon, ito ang Environmental Laboratory Research Division (ELRD) ng LLDA.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Marami pang proyektong inilunsad ang LLDA na naging matagumpay. Mababanggit na halimbawa ang Laguna de Bay Fishpen Development Project (LBFDP) na may layuning tulungan ang mga maliliit na mangigisda na makapagtayo at mangasiwa ng sarili nilang fishpen.